-
WORD Research this...Luke 9
- 1 At tinipon niya ang labingdalawa, at binigyan sila ng kapangyarihan at kapamahalaan sa lahat ng mga demonio, at upang magpagaling ng mga sakit.
- 2 At sila'y sinugo niya upang ipangaral ang kaharian ng Dios, at magpagaling ng mga may sakit.
- 3 At sinabi niya sa kanila, Huwag kayong mangagdala ng anoman sa inyong paglalakad, kahit tungkod, kahit supot ng ulam, kahit tinapay, kahit salapi; at kahit magkaroon ng dalawang tunika.
- 4 At sa anomang bahay na inyong pasukin, doon kayo mangatira, at buhat doo'y magsialis kayo.
- 5 At ang lahat na di magsitanggap sa inyo sa bayang yaon, ay ipagpag ninyo ang alabok sa inyong mga paa, na pinaka patotoo laban sa kanila.
- 6 At sila'y nagsialis, at nagsiparoon sa lahat ng mga nayon, na ipinangangaral ang evangelio, at nagpapagaling saa't saan man.
- 7 Nabalitaan nga ni Herodes na tetrarka ang lahat na ginawa; at siya'y totoong natitilihan, sapagka't sinasabi ng ilan, na si Juan ay muling ibinangon sa mga patay;
- 8 At ng ilan, na si Elias ay lumitaw; at ng mga iba, na isa sa mga datihang propeta ay muling ibinangon.
- 9 At sinabi ni Herodes, Pinugutan ko ng ulo si Juan: datapuwa't sino nga ito, na tungkol sa kaniya'y nababalitaan ko ang gayong bagay? At pinagsisikapan niyang siya'y makita.
- 10 At nang magsibalik ang mga apostol, ay isinaysay nila sa kaniya kung anong mga bagay ang kanilang ginawa. At sila'y isinama niya, at lumigpit na bukod sa isang bayan na tinatawag na Betsaida.
- 11 Datapuwa't nang maalaman ng mga karamihan ay nagsisunod sa kaniya: at sila'y tinanggap niyang may galak at sinasalita sa kanila ang tungkol sa kaharian ng Dios, at pinagagaling niya ang nangagkakailangang gamutin.
- 12 At nagpasimulang kumiling ang araw; at nagsilapit ang labingdalawa, at nangagsabi sa kaniya, Paalisin mo ang karamihan, upang sila'y magsiparoon sa mga nayon at sa mga lupaing nasa palibotlibot, at mangakapanuluyan, at mangakakuha ng pagkain: sapagka't tayo'y nangarito sa isang ilang na dako.
- 13 Datapuwa't sinabi niya sa kanila, Bigyan ninyo sila ng makakain. At sinabi nila, Wala tayo kundi limang tinapay at dalawang isda; malibang kami'y magsiyaon at ibili ng pagkain ang lahat ng mga taong ito.
- 14 Sapagka't sila'y may limang libong lalake. At sinabi niya sa kaniyang mga alagad, Paupuin ninyo sila ng pulupulutong, na may tiglilimangpu bawa't isa.
- 15 At gayon ang ginawa nila, at pinaupo silang lahat.
- 16 At kinuha niya ang limang tinapay at ang dalawang isda, at pagtingala sa langit, ay kaniyang pinagpala, at pinagputolputol; at ibinigay sa mga alagad upang ihain sa harap ng karamihan.
- 17 At sila'y nagsikain, at nangabusog ang lahat: at ang lumabis sa kanila na mga pinagputolputol ay pinulot na labingdalawang bakol.
- 18 At nangyari, nang siya'y nananalangin ng bukod, na ang mga alagad ay kasama niya: at tinanong niya sila, na sinasabi, Ano ang sinasabi ng karamihan kung sino ako?
- 19 At pagsagot nila'y nangagsabi, Si Juan Bautista; datapuwa't sinasabi ng mga iba, Si Elias; at sinasabi ng mga iba na isa sa mga datihang propeta ay muling nagbangon.
- 20 At sinabi niya sa kanila, Datapuwa't, ano ang sabi ninyo kung sino ako? At pagsagot ni Pedro, ay nagsabi, Ang Cristo ng Dios.
- 21 Datapuwa't ipinagbilin niya, at ipinagutos sa kanila na huwag sabihin ito sa kanino mang tao;
- 22 Na sinasabi, Kinakailangang magbata ng maraming mga bagay ang Anak ng tao, at itakuwil ng matatanda at ng mga pangulong saserdote at ng mga eskriba, at patayin, at muling ibangon sa ikatlong araw.
- 23 At sinabi niya sa lahat, Kung ang sinomang tao ay ibig sumunod sa akin, ay tumanggi sa kaniyang sarili, at pasanin sa arawaraw ang kaniyang krus, at sumunod sa akin.
- 24 Sapagka't ang sinomang magibig iligtas ang kaniyang buhay, ay mawawalan nito; datapuwa't sinomang mawalan ng kaniyang buhay dahil sa akin, ay maililigtas nito yaon.
- 25 Sapagka't ano ang pakikinabangin ng tao, kung makamtan niya ang buong sanglibutan, at mawawala o mapapahamak ang kaniyang sarili?
- 26 Sapagka't ang sinomang magmakahiya sa akin at sa aking mga salita, ay ikahihiya siya ng Anak ng tao, pagparito niyang nasa kaniyang sariling kaluwalhatian, at sa kaluwalhatian ng Ama, at ng mga banal na anghel.
- 27 Datapuwa't katotohanang sinasabi ko sa inyo, May ilan sa nangakatayo rito, na hindi matitikman sa anomang paraan ang kamatayan, hanggang sa mangakita nila ang kaharian ng Dios.
- 28 At nangyari, nang makaraan ang may mga walong araw pagkatapos ng mga pananalitang ito, na isinama niya si Pedro at si Juan at si Santiago, at umahon sa bundok upang manalangin.
- 29 At samantalang siya'y nananalangin, ay nagbago ang anyo ng kaniyang mukha, at ang kaniyang damit ay pumuti, at nakasisilaw.
- 30 At narito, dalawang lalake ay nakikipagusap sa kaniya, na ang mga ito'y si Moises at si Elias;
- 31 Na napakitang may kaluwalhatian, at nangaguusapan ng tungkol sa kaniyang pagkamatay na malapit niyang ganapin sa Jerusalem.
- 32 Si Pedro nga at ang kaniyang mga kasamahan ay nangagaantok: datapuwa't nang sila'y mangagising na totoo ay nakita nila ang kaniyang kaluwalhatian, at ang dalawang lalaking nangakatayong kasama niya.
- 33 At nangyari, samantalang sila'y nagsisihiwalay sa kaniya, ay sinabi ni Pedro kay Jesus, Guro, mabuti sa atin ang tayo'y dumito: at magsigawa tayo ng tatlong dampa; isa ang sa iyo, at isa ang kay Moises, at isa ang kay Elias: na hindi nalalaman ang kaniyang sinasabi.
- 34 At samantalang sinasabi niya ang mga bagay na ito, ay dumating ang isang alapaap, at sila'y naliliman: at sila'y nangatakot nang sila'y mangapasok sa alapaap.
- 35 At may tinig na nanggaling sa alapaap, na nagsasabi, Ito ang aking Anak, ang aking hirang: siya ang inyong pakinggan.
- 36 At nang dumating ang tinig, si Jesus ay nasumpungang nagiisa. At sila'y di nagsisiimik, at nang mga araw na yao'y hindi nila sinabi kanino mang tao ang alin man sa mga bagay na kanilang nakita.
- 37 At nangyari nang kinabukasan, nang pagbaba nila mula sa bundok, ay sinalubong siya ng lubhang maraming tao.
- 38 At narito, isang lalake sa karamihan, ay sumigaw na nagsasabi, Guro, ipinamamanhik ko sa iyo na iyong tingnan ang aking anak na lalake; sapagka't siya'y aking bugtong na anak;
- 39 At narito, inaalihan siya ng isang espiritu, at siya'y biglang nagsisigaw; at siya'y nililiglig, na pinabubula ang bibig, at bahagya nang siya'y hiwalayan, na siya'y totoong pinasasakitan.
- 40 At ipinamanhik ko sa iyong mga alagad na palabasin siya; at hindi nila magawa.
- 41 At sumagot si Jesus at nagsabi, Oh lahing walang pananampalataya at taksil, hanggang kailan makikisama ako sa inyo at magtitiis sa inyo? dalhin mo rito ang anak mo.
- 42 At samantalang siya'y lumalapit, ay ibinuwal siya ng demonio, at pinapangatal na mainam. Datapuwa't pinagwikaan ni Jesus ang karumaldumal na espiritu, at pinagaling ang bata, at isinauli siya sa kaniyang ama.
- 43 At nangagtaka silang lahat sa karangalan ng Dios. Datapuwa't samantalang ang lahat ay nagsisipanggilalas sa lahat ng mga bagay na kaniyang ginagawa, ay sinabi niya sa kaniyang mga alagad,
- 44 Manuot sa inyong mga tainga ang mga salitang ito: sapagka't ang Anak ng tao ay ibibigay sa mga kamay ng mga tao.
- 45 Datapuwa't hindi nila napaguunawa ang sabing ito, at sa kanila'y nalilingid, upang ito'y huwag mapagunawa; at nangatatakot silang magsipagtanong sa kaniya ng tungkol sa sabing ito.
- 46 At nagkaroon ng isang pagmamatuwiran sa gitna nila kung sino kaya sa kanila ang pinakadakila.
- 47 Datapuwa't pagkaunawa ni Jesus sa pangangatuwiran ng kanilang puso, ay kumuha siya ng isang maliit na bata, at inilagay sa kaniyang siping,
- 48 At sinabi sa kanila, Ang sinomang tumanggap sa maliit na batang ito sa pangalan ko, ay ako ang tinatanggap: at ang sinomang tumanggap sa akin, ay tinatanggap ang nagsugo sa akin: sapagka't ang pinaka maliit sa inyong lahat, ay siyang dakila.
- 49 At sumagot si Juan at sinabi, Guro, may nakita kaming nagpapalayas ng mga demonio sa pangalan mo; at aming pinagbawalan siya, sapagka't siya'y hindi sumasama sa atin.
- 50 Datapuwa't sinabi sa kanila ni Jesus, Huwag ninyong pagbawalan siya: sapagka't ang hindi laban sa inyo, ay sumasa inyo.
- 51 At nangyari, nang nalalapit na ang mga kaarawan na siya'y tatanggapin sa itaas, ay pinapanatili niyang harap ang kaniyang mukha upang pumaroon sa Jerusalem,
- 52 At nagsugo ng mga sugo sa unahan ng kaniyang mukha: at nagsiyaon sila, at nagsipasok sa isang nayon ng mga Samaritano upang siya'y ipaghanda.
- 53 At hindi nila siya tinanggap, sapagka't ang mukha niya'y anyong patungo sa Jerusalem.
- 54 At nang makita ito ng mga alagad niyang si Santiago at si Juan, ay nangagsabi, Panginoon, ibig mo bagang magpababa tayo ng apoy mula sa langit, at sila'y pugnawin?
- 55 Datapuwa't, lumingon siya, at sila'y pinagwikaan.
- 56 At sila'y nagsiparoon sa ibang nayon.
- 57 At paglakad nila sa daan ay may nagsabi sa kaniya, Susunod ako sa iyo saan ka man pumaroon.
- 58 At sinabi sa kaniya ni Jesus, May mga lungga ang mga sorra, at ang mga ibon sa langit ay may mga pugad; datapuwa't ang Anak ng tao ay walang kahiligan ang kaniyang ulo.
- 59 At sinabi niya sa iba, Sumunod ka sa akin. Datapuwa't siya'y nagsabi, Panginoon, tulutan mo muna akong makauwi at mailibing ko ang aking ama.
- 60 Datapuwa't sinabi niya sa kaniya, Pabayaan mong ilibing ng mga patay ang kanilang sariling mga patay; datapuwa't yumaon ka at ibalita mo ang kaharian ng Dios.
- 61 At ang iba nama'y nagsabi, Susunod ako sa iyo, Panginoon; datapuwa't pabayaan mo akong magpaalam muna sa mga kasangbahay ko.
- 62 Datapuwa't sinabi sa kaniya ni Jesus, Walang taong pagkahawak sa araro, at lumilingon sa likod, ay karapatdapat sa kaharian ng Dios.
-
-
King James Version (kjv)
- Afrikaans
- Albanian
- Arabic
- Armenian
- Basque
- Breton
- Calo
- Chamorro
- Cherokee
- Chinese
- Coptic
- Croatian
- Czech
- Danish
- Dari
- Dutch
-
English
American King James Version (akjv) American Standard Version (asv) Basic English Bible (basicenglish) Douay Rheims (douayrheims) John Wycliffe Bible (c.1395) (wycliffe) King James Version (kjv) King James Version (1769) with Strongs Numbers and Morphology and CatchWords, including Apocrypha (without glosses) (kjva) Webster's Bible (wb) Weymouth NT (weymouth) William Tyndale Bible (1525/1530) (tyndale) World English Bible (web) Young's Literal Translation (ylt)
- English and Klingon.
- Esperanto
- Estonian
- Finnish
- French
- German
- Gothic
- Greek
- Greek Modern
- Hebrew
- Hungarian
- Italian
- Japanese
- Korean
- Latin
- Latvian
- Lithuanian
- Malagasy
- Malayalam
- Manx Gaelic
- Maori
- Mongolian
- Myanmar Burmse
- Ndebele
- Norwegian bokmal
- Norwegian nynorsk
- Pohnpeian
- Polish
- Portuguese
- Potawatomi
- Romanian
- Russian
- Scottish Gaelic
- Serbian
- Shona
- Slavonic Elizabeth
- Spanish
- Swahili
- Swedish
- Syriac
- Tagalog
- Tausug
- Thai
- Tok Pisin
- Turkish
- Ukrainian
- Uma
- Vietnamese
-
-
Active Persistent Session:
To use a different persistent session key, simply add it above, and click the button below.
How This All Works
Your persistent session key, together with your favourite verse, authenticates you. It links to all your notes and tags in the Bible. You can share it with loved ones so they can see your notes and tags.
However, to modify your notes and tags, you need both the persistent session key and your favourite verse.
Please Keep Your Favourite Verse Private
Your persistent session key and favourite verse provide you exclusive access to edit your notes and tags. Think of your persistent session key as a username and your favourite verse as a password. Therefore, ensure your favourite verse is kept private.
The persistent session key allows viewing, while editing is only possible when the correct favourite verse is provided.
-
Loading...
-
-
Ang Dating Biblia (1905) (tagalog - 1.2)
2008-07-19Tagalog (tl)
Philippine Bible Society (1905)
in Tagalog (national language of the Philippines)
Bible is reconized by its title (Ang Biblia) or (Ang Dating Biblia)
This Bible is now Public Domain.- Encoding: UTF-8
- Direction: LTR
- LCSH: Bible. Tagalog.
- Distribution Abbreviation: tagalog
License
Public Domain
Source ()
Typed from the Ang Biblia Tagalog by Richard & Dolores Long.
- history_1.2
- Minor updates to .conf text
Basic Hash Usage Explained
At getBible, we've established a robust system to keep our API synchronized with the Crosswire project's modules. Let me explain how this integration works in simple terms.
We source our Bible text directly from the Crosswire modules. To monitor any updates, we generate "hash values" for each chapter, book, and translation. These hash values serve as unique identifiers that change only when the underlying content changes, thereby ensuring a tight integration between getBible and the Crosswire modules.
Every month, an automated process runs for approximately three hours. During this window, we fetch the latest Bible text from the Crosswire modules. Subsequently, we compare the new hash values and the text with the previous ones. Any detected changes trigger updates to both our official getBible hash repository and the Bible API for all affected translations. This system has been operating seamlessly for several years.
Once the updates are complete, any application utilizing our Bible API should monitor the hash values at the chapter, book, or translation level. Spotting a change in these values indicates that they should update their respective systems.
Hash values can change due to various reasons, including textual corrections like adding omitted verses, rectifying spelling errors, or addressing any discrepancies flagged by the publishers maintaining the modules at Crosswire.
The Crosswire initiative, also known as the SWORD Project, is the "source of truth" for getBible. Any modifications in the Crosswire modules get reflected in our API within days, ensuring our users access the most precise and current Bible text. We pledge to uphold this standard as long as getBible exists and our build scripts remain operational.
We're united in our mission to preserve the integrity and authenticity of the Bible text. If you have questions or require additional information, please use our support system. We're here to assist and will respond promptly.
Thank you for your understanding and for being an integral part of the getBible community.
Favourite Verse
You should select one of your favourite verses.
This verse in combination with your session key will be used to authenticate you in the future.
This is currently the active session key.
Should you have another session key from a previous session.
You can add it here to load your previous session.