-
WORD Research this...Mga Panaghoy 1
- 1 Ano't nakaupong magisa ang bayan na puno ng mga tao! Siya'y naging parang isang bao, na naging dakila sa gitna ng mga bansa! Siya na naging prinsesa sa gitna ng mga lalawigan, ay naging mamumuwis!
- 2 Siya'y umiiyak na lubha sa gabi, at ang mga luha niya ay dumadaloy sa kaniyang mga pisngi; sa lahat ng mangingibig sa kaniya ay walang umaliw sa kaniya: ginawan siya ng kataksilan ng lahat ng kaniyang mga kaibigan; sila'y naging kaniyang mga kaaway.
- 3 Ang Juda ay pumasok sa pagkabihag dahil sa pagdadalamhati, at sa kabigatan ng paglilingkod; siya'y tumatahan sa gitna ng mga bansa, siya'y walang masumpungang kapahingahan; inabot siya ng lahat na manghahabol sa kaniya sa mga gipit.
- 4 Ang mga daan ng Sion ay nangagluluksa, sapagka't walang pumaparoon sa takdang kapulungan; lahat niyang pintuang-bayan ay giba, ang mga saserdote niya'y nangagbubuntong-hininga: ang mga dalaga niya ay nangagdadalamhati, at siya'y nasa kahapisan.
- 5 Ang kaniyang mga kalaban ay naging pangulo, ang kaniyang mga kaaway ay nagsiginhawa; sapagka't pinagdalamhati siya ng Panginoon dahil sa karamihan ng kaniyang mga pagsalangsang: ang kaniyang mga batang anak ay pumasok sa pagkabihag sa harap ng kalaban.
- 6 At nawala ang buong kamahalan ng anak na babae ng Sion: ang kaniyang mga prinsipe ay naging parang mga usa na hindi makasumpong ng pastulan, at nagsiyaong walang lakas sa harap ng manghahabol.
- 7 Naaalaala ng Jerusalem sa kaarawan ng kaniyang pagdadalamhati at ng kaniyang mga karalitaan ang lahat niyang naging maligayang bagay ng mga kaarawan nang una: nang mahulog ang kaniyang bayan sa kamay ng kalaban, at walang sumaklolo sa kaniya, nakita siya ng mga kalaban, tinuya nila ang kaniyang mga pagkasira.
- 8 Ang Jerusalem ay lubhang nagkasala; kaya't siya'y naging parang maruming bagay; lahat ng nangagparangal sa kaniya ay humahamak sa kaniya, sapagka't kanilang nakita ang kaniyang kahubaran: Oo, siya'y nagbubuntong-hininga, at tumatalikod.
- 9 Ang kaniyang karumihan ay nasa kaniyang mga laylayan; hindi niya naalaala ang kaniyang huling wakas; kaya't siya'y nababa ng katakataka; siya'y walang mangaaliw; masdan mo, Oh Panginoon, ang aking pagdadalamhati; sapagka't ang kaaway ay nagmalaki.
- 10 Iginawad ng kalaban ang kaniyang kamay sa lahat niyang maligayang bagay; sapagka't nakita niya na ang mga bansa ay pumasok sa kaniyang santuario, yaong mga inutusan mo na huwag magsipasok sa iyong kapisanan.
- 11 Buong bayan niya ay nagbubuntong-hininga, sila'y nagsisihanap ng tinapay; ibinigay nila ang kanilang mga maligayang bagay na kapalit ng pagkain upang paginhawahin ang kaluluwa. Iyong tingnan, Oh Panginoon, at masdan mo; sapagka't ako'y naging hamak.
- 12 Wala bagang anoman sa inyo, sa inyong lahat na nagsisipagdaan? Inyong masdan, at inyong tingnan kung may anomang kapanglawan na gaya ng aking kapanglawan, na nagawa sa akin, na idinalamhati sa akin ng Panginoon sa kaarawan ng kaniyang mabangis na galit.
- 13 Mula sa itaas ay nagsugo siya ng apoy sa aking mga buto, at mga pinananaigan; kaniyang ipinagladlad ng silo ang aking mga paa, kaniyang ibinalik ako: kaniyang ipinahamak ako at pinapanglupaypay buong araw.
- 14 Pamatok ng aking mga pagsalangsang ay hinigpit ng kaniyang kamay; mga nagkalakiplakip, nagsiabot sa aking leeg; kaniyang pinanglupaypay ang aking kalakasan: ibinigay ako ng Panginoon sa kanilang mga kamay, laban sa mga hindi ko matatayuan.
- 15 Iniuwi ng Panginoon sa wala ang lahat na aking mga makapangyarihang lalake sa gitna ko; siya'y tumawag ng isang takdang kapulungan laban sa akin upang pagwaraywarayin ang aking mga binata: niyapakan ng Panginoon na parang pisaan ng ubas ang anak na dalaga ng Juda.
- 16 Dahil sa mga bagay na ito ay umiiyak ako; ang mata ko, ang mata ko ay dinadaluyan ng luha; sapagka't ang mangaaliw na marapat magpaginhawa ng aking kaluluwa ay malayo sa akin: ang mga anak ko ay napahamak, sapagka't nanaig ang kaaway.
- 17 Iginawad ng Sion ang kaniyang mga kamay; walang umaliw sa kaniya; nagutos ang Panginoon tungkol sa Jacob, na silang nangasa palibot niya ay magiging kaniyang mga kalaban: ang Jerusalem ay parang maruming bagay sa gitna nila.
- 18 Ang Panginoon ay matuwid; sapagka't ako'y nanghimagsik laban sa kaniyang utos: inyong pakinggan, isinasamo ko sa inyo, ninyong lahat na bayan, at inyong masdan ang aking kapanglawan: ang aking mga dalaga at ang aking mga binata ay pumasok sa pagkabihag.
- 19 Aking tinawagan ang mga mangingibig sa akin, nguni't dinaya nila: nalagot ang hininga ng aking mga saserdote at ng aking mga matanda sa bayan, habang nagsisihanap sila ng pagkain upang paginhawahin ang kanilang kaluluwa.
- 20 Masdan mo, Oh Panginoon; sapagka't ako'y nasa kapanglawan; ang aking puso ay namamanglaw; ang aking puso ay nagugulumihanan; sapagka't ako'y lubhang nanghimagsik: sa labas ay tabak ang lumalansag, sa loob ay may parang kamatayan.
- 21 Nabalitaan nila na ako'y nagbubuntong-hininga; walang umaliw sa akin; Lahat ng aking mga kaaway ay nangakarinig ng aking kabagabagan; sila'y nangatuwa na iyong ginawa: iyong pararatingin ang araw na iyong itinanyag, at sila'y magiging gaya ko.
- 22 Magsidating nawa ang lahat nilang kasamaan sa harap mo; at gawin mo sa kanila, ang gaya ng ginawa mo sa akin dahil sa lahat kong mga pagsalangsang: sapagka't ang aking mga buntong-hininga ay marami, at ang aking puso ay nanglulupaypay.
-
-
King James Version (kjv)
- Afrikaans
- Albanian
- Arabic
- Armenian
- Basque
- Breton
- Calo
- Chamorro
- Cherokee
- Chinese
- Coptic
- Croatian
- Czech
- Danish
- Dari
- Dutch
-
English
American King James Version (akjv) American Standard Version (asv) Basic English Bible (basicenglish) Douay Rheims (douayrheims) John Wycliffe Bible (c.1395) (wycliffe) King James Version (kjv) King James Version (1769) with Strongs Numbers and Morphology and CatchWords, including Apocrypha (without glosses) (kjva) Webster's Bible (wb) Weymouth NT (weymouth) William Tyndale Bible (1525/1530) (tyndale) World English Bible (web) Young's Literal Translation (ylt)
- English and Klingon.
- Esperanto
- Estonian
- Finnish
- French
- German
- Gothic
- Greek
- Greek Modern
- Hebrew
- Hungarian
- Italian
- Japanese
- Korean
- Latin
- Latvian
- Lithuanian
- Malagasy
- Malayalam
- Manx Gaelic
- Maori
- Mongolian
- Myanmar Burmse
- Ndebele
- Norwegian bokmal
- Norwegian nynorsk
- Pohnpeian
- Polish
- Portuguese
- Potawatomi
- Romanian
- Russian
- Scottish Gaelic
- Serbian
- Shona
- Slavonic Elizabeth
- Spanish
- Swahili
- Swedish
- Syriac
- Tagalog
- Tausug
- Thai
- Tok Pisin
- Turkish
- Ukrainian
- Uma
- Vietnamese
-
-
Active Persistent Session:
To use a different persistent session key, simply add it above, and click the button below.
How This All Works
Your persistent session key, together with your favourite verse, authenticates you. It links to all your notes and tags in the Bible. You can share it with loved ones so they can see your notes and tags.
However, to modify your notes and tags, you need both the persistent session key and your favourite verse.
Please Keep Your Favourite Verse Private
Your persistent session key and favourite verse provide you exclusive access to edit your notes and tags. Think of your persistent session key as a username and your favourite verse as a password. Therefore, ensure your favourite verse is kept private.
The persistent session key allows viewing, while editing is only possible when the correct favourite verse is provided.
-
Loading...
-
-
Ang Dating Biblia (1905) (tagalog - 1.2)
2008-07-19Tagalog (tl)
Philippine Bible Society (1905)
in Tagalog (national language of the Philippines)
Bible is reconized by its title (Ang Biblia) or (Ang Dating Biblia)
This Bible is now Public Domain.- Encoding: UTF-8
- Direction: LTR
- LCSH: Bible. Tagalog.
- Distribution Abbreviation: tagalog
License
Public Domain
Source ()
Typed from the Ang Biblia Tagalog by Richard & Dolores Long.
- history_1.2
- Minor updates to .conf text
Basic Hash Usage Explained
At getBible, we've established a robust system to keep our API synchronized with the Crosswire project's modules. Let me explain how this integration works in simple terms.
We source our Bible text directly from the Crosswire modules. To monitor any updates, we generate "hash values" for each chapter, book, and translation. These hash values serve as unique identifiers that change only when the underlying content changes, thereby ensuring a tight integration between getBible and the Crosswire modules.
Every month, an automated process runs for approximately three hours. During this window, we fetch the latest Bible text from the Crosswire modules. Subsequently, we compare the new hash values and the text with the previous ones. Any detected changes trigger updates to both our official getBible hash repository and the Bible API for all affected translations. This system has been operating seamlessly for several years.
Once the updates are complete, any application utilizing our Bible API should monitor the hash values at the chapter, book, or translation level. Spotting a change in these values indicates that they should update their respective systems.
Hash values can change due to various reasons, including textual corrections like adding omitted verses, rectifying spelling errors, or addressing any discrepancies flagged by the publishers maintaining the modules at Crosswire.
The Crosswire initiative, also known as the SWORD Project, is the "source of truth" for getBible. Any modifications in the Crosswire modules get reflected in our API within days, ensuring our users access the most precise and current Bible text. We pledge to uphold this standard as long as getBible exists and our build scripts remain operational.
We're united in our mission to preserve the integrity and authenticity of the Bible text. If you have questions or require additional information, please use our support system. We're here to assist and will respond promptly.
Thank you for your understanding and for being an integral part of the getBible community.
Favourite Verse
You should select one of your favourite verses.
This verse in combination with your session key will be used to authenticate you in the future.
This is currently the active session key.
Should you have another session key from a previous session.
You can add it here to load your previous session.