Skip to main content
  • WORD Research this...
    Acts 16
    •   At siya'y naparoon din naman sa Derbe at sa Listra: at narito, naroon ang isang alagad, na nagngangalang Timoteo, na anak ng isang Judiang sumasampalataya; datapuwa't Griego ang kaniyang ama.
    •   Siya'y may mabuting patotoo ng mga kapatid na nangasa Listra at Iconio.
    •   Iniibig ni Pablo na sumama siya sa kaniya; at kaniyang kinuha siya at tinuli dahil sa mga Judio na nangasa mga dakong yaon: sapagka't nalalaman ng lahat na ang kaniyang ama'y Griego.
    •   At sa kanilang pagtahak sa mga bayan, ay ibinigay sa kanila ang mga utos na inilagda ng mga apostol at ng mga matanda sa Jerusalem, upang kanilang tuparin.
    •   Kaya nga, ang mga iglesia'y pinalakas sa pananampalataya at naragdagan ang bilang araw-araw.
    •   At nang kanilang matahak ang lupain ng Frigia at Galacia, ay pinagbawalan sila ng Espiritu Santo na saysayin ang salita sa Asia;
    •   At nang sila'y magsidating sa tapat ng Misia, ay pinagsikapan nilang magsipasok sa Bitinia; at hindi sila tinulutan ng Espiritu ni Jesus;
    •   At pagkaraan nila sa Misia, ay nagsilusong sila sa Troas.
    •   At napakita ang isang pangitain sa gabi kay Pablo: May isang lalaking taga Macedonia na nakatayo, na namamanhik sa kaniya, at sinasabi, Tumawid ka sa Macedonia, at tulungan mo kami.
    • 10   At pagkakita niya sa pangitain, pagdaka'y pinagsikapan naming magsiparoon sa Macedonia, na pinatutunayang kami'y tinawag ng Dios upang sa kanila'y ipangaral ang evangelio.
    • 11   Pagtulak nga sa Troas, ay pinunta namin ang Samotracia, at nang kinabukasa'y ang Neapolis;
    • 12   At mula doo'y ang Filipos, na isang bayan ng Macedonia, na siyang una sa purok, lupang nasasakupan ng Roma: at nangatira kaming ilang araw sa bayang yaon.
    • 13   At nang araw ng sabbath ay nagsilabas kami sa labas ng pintuan sa tabi ng ilog, na doo'y sinapantaha naming may mapapanalanginan; at kami'y nangaupo, at nakipagsalitaan sa mga babaing nangagkatipon.
    • 14   At isang babaing nagngangalang Lidia, na mangangalakal ng kayong kulay-ube, na taga bayan ng Tiatira, isang masipag sa kabanalan, ay nakinig sa amin: na binuksan ng Panginoon ang kaniyang puso upang unawain ang mga bagay na sinalita ni Pablo.
    • 15   At nang siya'y mabautismuhan na, at ang kaniyang mga kasangbahay, ay namanhik siya sa amin, na sinasabi, Kung inyong inaakalang ako'y tapat sa Panginoon, ay magsipasok kayo sa aking bahay, at kayo'y magsitira doon. At kami'y pinilit niya.
    • 16   At nangyari, na nang kami'y nagsisiparoon sa mapapanalanginan, ay sinalubong kami ng isang dalagang may karumaldumal na espiritu ng panghuhula, at nagdadala ng maraming pakinabang sa kaniyang mga panginoon sa pamamagitan ng panghuhula.
    • 17   Siya'y sumusunod kay Pablo at sa amin at nagsisigaw, na sinasabi, Mga alipin ng Kataastaasang Dios ang mga taong ito, na nagsisipangaral sa inyo ng daan ng kaligtasan.
    • 18   At maraming mga araw na ginawa niya ito. Datapuwa't palibhasa'y si Pablo ay totoong nababagabag, ay lumingon at sinabi sa espiritu, Iniuutos ko sa iyo sa pangalan ni Jesucristo na lumabas ka sa kaniya. At ito ay lumabas nang oras ding yaon.
    • 19   Datapuwa't nang makita ng kaniyang mga panginoon na wala na ang inaasahan nilang kapakinabangan, ay hinuli nila si Pablo at si Silas, at kinaladkad sila sa pamilihan, sa harapan ng mga may kapangyarihan,
    • 20   At nang maiharap na sila sa mga hukom, ay sinabi nila, Ang mga lalaking ito, palibhasa'y mga Judio, ay nagsisipanggulong totoo sa ating bayan,
    • 21   At nangaghahayag ng mga kaugaliang hindi matuwid nating tanggapin, o gawin, palibhasa tayo'y Romano.
    • 22   At samasamang nagsitindig ang karamihan laban sa kanila: at hinapak ng mga hukom ang kanilang mga damit, at ipinapalo sila ng mga panghampas.
    • 23   At nang sila'y mapalo na nila ng marami, ay ipinasok sila sa bilangguan, na ipinagtatagubilin sa tagapamahala na sila'y bantayang maigi:
    • 24   Na, nang tanggapin nito ang gayong tagubilin, ay ipinasok sila sa kalooblooban ng bilangguan, at piniit ang kanilang mga paa sa mga pangawan.
    • 25   Datapuwa't nang maghahatinggabi na si Pablo at si Silas ay nagsipanalangin at nagsiawit ng mga himno sa Dios, at sila'y pinakikinggan ng mga bilanggo;
    • 26   At kaginsaginsa'y nagkaroon ng isang malakas na lindol, ano pa't nangagsiuga ang mga patibayan ng bahay-bilangguan: at pagdaka'y nangabuksan ang lahat ng mga pinto; at nangakalas ang mga gapos ng bawa't isa.
    • 27   At ang tagapamahala, palibhasa'y nagising sa pagkakatulog at nang makitang bukas ang mga pinto ng bilangguan, ay binunot ang kaniyang tabak at magpapakamatay sana, sa pagaakalang nangakatakas na ang mga bilanggo.
    • 28   Datapuwa't sumigaw si Pablo ng malakas na tinig, na sinasabi, Huwag mong saktan ang iyong sarili: sapagka't nangaririto kaming lahat.
    • 29   At siya'y humingi ng mga ilaw at tumakbo sa loob, at, nanginginig sa takot, ay nagpatirapa sa harapan ni Pablo at ni Silas,
    • 30   At sila'y inilabas at sinabi, Mga ginoo, ano ang kinakailangan kong gawin upang maligtas?
    • 31   At kanilang sinabi, Manampalataya ka sa Panginoong Jesus, at maliligtas ka, ikaw at ang iyong sangbahayan.
    • 32   At sa kaniya'y sinalita nila ang salita ng Panginoon, pati sa lahat ng nangasa kaniyang bahay.
    • 33   At sila'y kaniyang kinuha nang oras ding yaon ng gabi, at hinugasan ang kanilang mga latay; at pagdaka'y binautismuhan, siya at ang buong sangbahayan niya.
    • 34   At sila'y kaniyang ipinanhik sa kaniyang bahay, at hinainan sila ng pagkain, at nagalak na totoo, pati ng buong sangbahayan niya, na nagsisampalataya sa Dios.
    • 35   Datapuwa't nang umaga na, ang mga hukom ay nangagsugo ng mga sarhento, na nagsasabi, Pawalan mo ang mga taong iyan.
    • 36   At iniulat ng tagapamahala kay Pablo ang mga salitang ito, na sinasabi, Ipinagutos ng mga hukom na kayo'y pawalan: ngayon nga'y magsilabas kayo, at magsiyaon kayong payapa.
    • 37   Datapuwa't sinabi sa kanila ni Pablo, Pinalo nila kami sa hayag, na hindi nangahatulan, bagama't mga lalaking Romano, at kami'y ibinilanggo; at ngayo'y lihim na kami'y pinawawalan nila? tunay na hindi nga; kundi sila rin ang magsiparito at kami'y pawalan.
    • 38   At iniulat ng mga sarhento ang mga salitang ito sa mga hukom: at sila'y nangatakot nang kanilang marinig na sila'y mga Romano;
    • 39   At sila'y nagsiparoon at pinamanhikan sila; at nang kanilang mailabas na sila, ay hiniling nila sa kanila na magsilabas sa bayan.
    • 40   At sila'y nagsilabas sa bilangguan, at nagsipasok sa bahay ni Lidia: at nang makita nila ang mga kapatid, ay kanilang inaliw sila, at nagsialis.
  • King James Version (kjv)
    • Active Persistent Session:

      To use a different persistent session key, simply add it above, and click the button below.

      How This All Works

      Your persistent session key, together with your favourite verse, authenticates you. It links to all your notes and tags in the Bible. You can share it with loved ones so they can see your notes and tags.

      However, to modify your notes and tags, you need both the persistent session key and your favourite verse.

      Please Keep Your Favourite Verse Private

      Your persistent session key and favourite verse provide you exclusive access to edit your notes and tags. Think of your persistent session key as a username and your favourite verse as a password. Therefore, ensure your favourite verse is kept private.

      The persistent session key allows viewing, while editing is only possible when the correct favourite verse is provided.

    • Loading...
  • Ang Dating Biblia (1905) (tagalog - 1.2)

    2008-07-19

    Tagalog (tl)

    Philippine Bible Society (1905)
    in Tagalog (national language of the Philippines)
    Bible is reconized by its title (Ang Biblia) or (Ang Dating Biblia)
    This Bible is now Public Domain.

    • Encoding: UTF-8
    • Direction: LTR
    • LCSH: Bible. Tagalog.
    • Distribution Abbreviation: tagalog

    License

    Public Domain

    Source ()

    Typed from the Ang Biblia Tagalog by Richard & Dolores Long.

    history_1.2
    Minor updates to .conf text

Basic Hash Usage Explained

At getBible, we've established a robust system to keep our API synchronized with the Crosswire project's modules. Let me explain how this integration works in simple terms.

We source our Bible text directly from the Crosswire modules. To monitor any updates, we generate "hash values" for each chapter, book, and translation. These hash values serve as unique identifiers that change only when the underlying content changes, thereby ensuring a tight integration between getBible and the Crosswire modules.

Every month, an automated process runs for approximately three hours. During this window, we fetch the latest Bible text from the Crosswire modules. Subsequently, we compare the new hash values and the text with the previous ones. Any detected changes trigger updates to both our official getBible hash repository and the Bible API for all affected translations. This system has been operating seamlessly for several years.

Once the updates are complete, any application utilizing our Bible API should monitor the hash values at the chapter, book, or translation level. Spotting a change in these values indicates that they should update their respective systems.

Hash values can change due to various reasons, including textual corrections like adding omitted verses, rectifying spelling errors, or addressing any discrepancies flagged by the publishers maintaining the modules at Crosswire.

The Crosswire initiative, also known as the SWORD Project, is the "source of truth" for getBible. Any modifications in the Crosswire modules get reflected in our API within days, ensuring our users access the most precise and current Bible text. We pledge to uphold this standard as long as getBible exists and our build scripts remain operational.

We're united in our mission to preserve the integrity and authenticity of the Bible text. If you have questions or require additional information, please use our support system. We're here to assist and will respond promptly.

Thank you for your understanding and for being an integral part of the getBible community.

Favourite Verse

You should select one of your favourite verses.

This verse in combination with your session key will be used to authenticate you in the future.

This is currently the active session key.

Should you have another session key from a previous session.
You can add it here to load your previous session.

Mga Gawa 16:

Sharing the Word of God with the world.
  • Share Text
    ...
  • Share Link

Mga Gawa 16:1

Tagging this verse.

The active verse selected text should load here.

Active

Available Tags

Drag and drop the desired tag from the available ones to the active area.

To un-tag a verse, drag and drop the desired tag from active to the available tags area.

Edit Tag

Create Tag

Mga Gawa 16:1

Notes on this verse.

The active verse selected text should load here.